Tuesday, November 14, 2017

Persweysib (Travel Blog)

Estudyante Travel Bundle Dito sa Bataan!



      Stress sa school at pahinga ang kailangan? Relaxation ang hanap with the tropa? Tara lets na dito sa budget friendly travel bundle package with your barkada na tiyak ay swak na swak sa mga budget pang estudyante only here in Bataan! Punta na sa lungsod ng Bataan na matatagpuan lamang sa Central, Luzon.

     After ng mahaba-habang byahe with the tropa papuntang Bataan, kailangan munang punuuin muli ang ating energy tank at mamahinga sa isa sa pinakamagandang hotel sa Bataan ̶ ang Crown Royale Hotel.

     Ang Crown Royale Hotel ay kilala sa buong lungsod ng Bataan dahil sa taglay nitong alindog na nang-aakit sa mga tao dahilan upang tumuloy dito. Ang hotel na ito ay matatagpuan sa Capitol Site bayan ng San Jose Balanga City, Bataan. Sila ay nag-ooffer ng iba’t-ibang packages batay sa iyong pangangailangan. Mayroon silang room delux with three (3) bedrooms at marami pang iba na may kaakibat ding incentives halimbawa ay free breakfast for two at marami pang iba. Humanap lamang ng package na sasapat sa iyong kagustuhan na matatagpuan lamang sa kanilang website na crownroyalehotel.com


  Thrill at excitement naman ang hanap kasama ang buong tropa? Tara na’t maghiking sa isa sa mga historical places sa buong mundo na matatagpuan lamang sa Bataan. Let’s go na sa Mt. Samat! Ang Mt. Samat ay kilala din sa tawag sa “Dambana ng Kagitingan.” Ito ay matatagpuan sa Pilar, Bataan. Ito ay ginawa upang gunitain ang mga namayapang mga Pilipino at mga Amerikano sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Pagod man ang mararanasan sa pag-akyat dito, lubos namang satispaksyon ang makakamit sa pagkarating sa tuktok nito. Napakagandang view ang tanawin sa taas ng Mt. Samat lalo na sa taas ng krus. Ang Mt. Samat ay mayroon ding museum na naglalaman ng iba’t-ibang impormasyon tungkol dito. Para sa karagdagang kaalaman pumunta lamang sa kanilang website na www.bataan.gov.ph/home/bataan-articles/1231-sites-and-destinations.html

Image result for mt samatRelated image
 
     Mga samu’t saring pagkain naman na swak sa badyet ang hinahanap? Akala mo’y sa Maynila lamang mayroong ganito? Nagkakamali ka dahil mayroon na din nito sa Bataan. Ang bagong kainan sa bayan ng Balanga Bataan ̶ Ang Foodpark, matatagpuan dito ang iba’t- ibang pagkain na tiyak na magpapabusog sa’yo. Bisitahin ang kanilang website para sa mga karagdagang overview sa http://bataan.gov.ph/home/bataan-articles/106-foods-restaurants.html

Image result for balanga SQUARE FOOD PARK
Image result for balanga SQUARE FOOD PARKImage result for balanga SQUARE FOOD PARK
 
     Isang bagong resort naman ang umusbong sa may bayan ng Pilar, Bataan ̶ ang Bataan Heartland Garden. Naging trending ang resort na ito dahil sa mala-paraisong taglay nito. Tiyak na marerelax ang mga taong bibisita dito. Mga problema sa iskwela? Tiyak na mawawala ‘yan pagkat ang Bataan Heartland Garden ay nandito na, sasagot sa iyong problema. Nakilala ito dahil sa mga instagram worthy theme ng resort. Isa din sa dinarayo sa nasabing resort ay ang giant swing na mayroon dito para sa mga taong thrill ang hanap. Isa sa mga naka-experience na ng mala-palasyong buhay ay ang isang blogger na si Nica Fernandez, bisitahin ang kaniyang blog tungkol sa kanilang pag stay sa resort ng Bataan Heartland Garden sa www.themaartetourist.com/2017/06/26/perfect-plan-bataan-heartland/. Para sa iba pang impormasyon sa nasabing resort, bisitahin lamang ang kanilang website www.bataanheartlandgardens.com
Related imageImage result for bataan heartland garden
Image result for bataan heartland gardenRelated image

Image result for bataan heartland gardenImage result for bataan heartland garden
 
     Handa ka na bang bumisita sa probinsya ng Bataan? Tara na’t naghihintay sa’yo ang mga lugar na ito! Contact Mareng Eds for application of the package para ma-experience ang maging relax dulot ng stress dala ng school at +639 123 456 789. Tara na mga estudyante, panahon na ng pag-rerelax!


ROUTES

 
 

1 comment: