Saturday, November 18, 2017

Lakbay - Sanaysay

Byahe ko, Tanawin mo! 
ni Mareng Eds 

     Indoor travel ang hanap? Ayaw pagpawisan at aircon ang hanap? Tara! Samahan mo ako sa aking naging byahe sa isa sa mga mayayaman at kilalang pasyalan sa lungsod ng Maynila.

     Ano nga ba ang mga tinatagong ganda ng Maynila sa kabila ng mga hindi magagandang rebyu tungkol dito? Handa ka na ba? Tara na’t tuklasin ang mga pinagmamalaking atraksyon ng lugar ng Maynila sa bansang Pilipinas.

     Ang isang probinsyanang katulad ko na nagmula pa sa probinsya ng Bataan ay dumayo at lumakbay paMaynila upang bisitahin ang isa sa mga bagong Casino na itinayo sa ating bansa kaakibat ang aking buong pamilya upang magkaroon ng oras para magsaya. Pinili naming sa pagdating ng hapon na magpunta sa aming napiling atraksyon na pupuntahan upang makapagpahinga muna sa buong umaga dahil kami ay sasabak sa mahaba-habang lakarin at kailanga’y mayroon kaming sapat na enerhiya sa paglalakbay na ito. Pagdating ng hapon ay pumunta na kami papuntang Mall of Asia upang magliwaliw at mamili ng mga bagay-bagay. Ang SM Mall of Asia na kilala din bilang SM MOA ay isang shopping mall sa Bay City, Pasay, Philippines na malapit sa SM Central Business Park, Manila Bay at sa Southern End ng Epifanio de los Santos Avenue na kilala din sa tawag na EDSA.





Image may contain: sky, cloud and outdoor

     Ang SM MOA ay ang pang-apat sa pinakamalaking shopping mall sa buong munso. Hindi naman kami inabot ng matagal sa byahe papunta sa MOA dahil sa Malibay, Pasay lamang kami namalagi ngunit kung wala ka namang bahay na matutulugan pagpunta doon ay mayrooon namang mga kalat-kalat na hotel na handang mag-accommodate kahit na anumang oras. 

  

                              

     Umandar ng mabilis ang oras ng hindi naming namamalayan, pagkalabas namin sa MOA ay nagtungo naman kami sa SM by the bay na matatagpuan lamang sa likod ng MOA at doon naman namin napiling kumain ng hapunan lalo na’t marami ding mga restaurants ang nakapaligid dito. Dito namin napiling kumain upang hintayin ang fireworks na anumang oras ding iyon ay puputok na at magsisimula ng liwanagan ang madilim na kalangitan noong gabing iyon. 

   Ang SM by The Bay Amusement Park ay matatagpuan sa Sea Side Boulevaard, Mall of Asia Complex, Pasay City. Ang Amusement Park na ito ay mayroong iba’t-ibang palaruan para sa mga bata at mga restaurants para sa buong pamilya. Naglakad-lakad kami pagkatapos lagyan ng laman ang aming mga tyan upang bumaba ang aming kinain at upang damhin ang ganda ng paligid at simoy ng malamig na hangin na dala ng karagatan. Hindi naman naburyong ang mga batang kasama namin dahil sa mga palaruang nagkalat din sa SM By The Bay, hindi nila pinalampas ang pagkakataon at sinakyang ang lahat ng ito.     
                                   
                                                                                                                          


     

     Pagpatak ng alas-otso medya ng gabi ay nagpunta na kami sa harapan ng MOA upang hintaying ang service ng Okada Manila kahit na kami ay mayroong sariling sasakyang dala. Hindi namin pinalampas ang pagkakataong makasakay sa shuttle na inihanda ng Okada Manila para sa kanilang mga guests. Hindi naman kami nagsisi sa aming desisyon dahil sa labas pa lang ng bus ay masasabi mo ng maganda rin ang loob nito, at hindi nga kami nagkamali dahil pagpasok pa lang namin sa loob ay parang kami ay nasa loob ng isang eroplano. Napaka-komportable ng mga upuan nito, may mga portable tablet din ang mga likod ng mga upuan gaya ng mga nasa eroplano, naglalaman ang mga ito ng application ng mga laro, pelikula, mga tugtugin, internet, at mga impormasyon tungkol sa Okada.


     
   Nakakabitin lamang dahil napaka-saglit lamang ng byahe dahil malapit lamang pala ang MOA sa Okada kaya’t hindi namin nasulit ang panonood ng pelikula. Ang isang nakakatuwa pa sa pagtanggap ng Okada sa mga panauhin nila ay walang bayad ang pagsakay sa shuttle nila at ito rin ang magbabalik sa iyo sa MOA. 


     Pagkababa pa lamang namin ng shuttle ay hindi sapat ang salitang “WOW!” dahil sasalubong agad ang napakalaking chandelier sa labas ng nasabing casino. Taos puso naman ang pagtanggap ng mga staffs at may ngiti sa labi nilang sinasabi ang mga katagang “Enjoy your stay here in Okada ma’am sir!” kaya naman mapapangiti ka na rin pabalik. Ang Okada Manila ay isang casino na matatagpuan sa New Seaside Dr, Parañaque, 1701 Metro Manila. 

  



     Ito ay isa sa pinakamayamang casino na kilala sa buong mundo. Napakahigpit ng seguridad ng Okada Manila dahil ito ay isang eksklusibong casino sa panahan ngayon. Ang akala naming bonggang chandelier na sumalubong sa amin ay bongga na ngunit hindi pa pala dahil sa loob nito ay punong-puno ng mga mamahaling bagay na aakalain mong ikaw ay nasa loob ng isang palasyo dahil sa ganda. Nilibot namin ang buong lugar ng may pagkamangha sa mga mata, hindi naman kami pumasok sa loob ng Casino dahil marami pa kaming mga menor de edad kaya’t pati ang mga nasa edad na na kasama namin ay hindi na rin pumasok. Ngunit hindi pa pala doon matatapos ang aming pagkamangha sa lugar sa iyon dahil maging ang banyo doon ay hindi rin magpapatalo, doon ko napatunayan na buhay na buhay ang makabagong teknolohiya sa lugar na iyon dahil dipindot na ang lahat ng bagay kaya naman mukha kaming tao sa mula pagkalabas namin sa palikuran. Mayroon ding mga pamilihan sa loob nito at ginto ang presyo ng mga bagay dito dahil sa sobrang mahal ng mga presyo ng mga bagay na kanilang itinitinda. Pagkatapos naming magikot-ikot at manguha ng mga litrato ay lumabas na kami at nagtungo na sa fountain area ng Okada. 










     Ang dancing fountain ng Okada Manila ay kilala bilang isa sa mga pinakamalawak na dancing fountain sa buong mundo. Nag-enjoy kaming lahat sa panonood dahil ito ay sinasabayan ng nakakaindak na kanta at mayroon ding mga performers sa gitna na sumasabay sa pagsasayaw ng fountain. Tinagal ito ng kulang kalahating oras. Nakakalungkot lamang isipin dahil hindi pa pala fully build ang Okada Manila kaya’t hindi pa buo ang building sa likod ng dancing fountain na magsisilbi sanang projection na sasabay din sa pagsayaw ng fountain sa pamamagitan ng pag-flash ng mga video. Ngunit ayos lang naman dahil maganda at nakakawili ang palabas at sa tingin ko ay mas magiging maganda at mas dadayuhin pa ito kapag natapos na ang Okada. Pagkatapos noon ay nagpasya na ang lahat na umuwi, bumalik kami sa MOA sakay pa rin ng shuttle na sinakyan namin kanina. Doon natapos ang gabing nagpuno sa amin ng mga bagong karanasan. 

      Na-engganyo ka ba sa pagbabalik tanaw natin sa aming byahe? Kung gayon, naghanda ako ng iba pang mga kaungkulang impormasyon sa mga pasyalang aming napuntahan, nawa’y ako ay nakatulong sa iyo. Salamat sa oras na iyong inilaan sa pagbabasa! Mula sa iyong byahera, paalam ng byaheras! Hanggang sa muli!

Tuesday, November 14, 2017

Expositori

Transport strike vs. jeepney phaseout set for Oct. 16-17
By: CNN Philippines Staff

Updated 12:01 PM PHT Sun, October 15, 2017


Ang iconikong jeepney, isang ebolusyon ng mga sasakyang militar ng U.S. sa Digmaang Pandaigdig 2, ay nanatiling bahagyang hindi nagbabago sa mga dekada.
Na-update ang kuwento upang isama ang pahayag ng Palasyo.
Metro Manila (CNN Philippines, Oktubre 13) - Ang mga grupo ng transportasyon at paggawa ay nakatakdang magsagawa ng pambansang welga sa Oktubre 16 at 17 upang protesta ang planong programa ng jeepney phaseout.
Si George San Mateo, pambansang presidente ng alyansa ng transportasyon, ang pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), ay nagsasabing nilalabanan nila ang programa, na inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
"Duterte ay hindi lamang tinanggihan ang aming demand na basura ang nakaraang programa ng administrasyon ng PUJ (Public Utility Jeepney) ng administrasyon ni Aquino, ngayon ay ginagampanan pa niya ang pagpapatupad nito upang makumpleto ang monopolyong pag-agaw ng ating kabuhayan ng kanyang mga malalaking kroni ng negosyo at mga higante sa industriya ng dayuhang auto," Sinabi ni San Mateo sa isang pahayag.
Ang pagsali sa PISTON sa tawag ay ang Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang mga grupo ng transportasyon at commuter sa ilalim ng No to Jeepney Phaseout Coalition.
Sa Pampanga, sinabi ng tagapagsalita ng Anti-Jeepney Phaseout Coalition na si Bong Meneses na umaabot sa 8,000 PUJ ang sasali sa welga.
Mga pagsuspinde ng klase
Sa liwanag ng welga ng transportasyon, ipinahayag ng Malacañang noong Linggo na ang lahat ng mga klase sa pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ay nasuspinde noong Oktubre 16.
Ang programa ng phaseout, na ipapatupad ng departamento ng transportasyon, ay magsisimula sa Enero 2018, at pipilitin ang mga driver at operator na bumili ng hindi bababa sa 10 bagong mga yunit ng PUJ na nagkakahalaga ng higit sa P1.6 milyon bawat isa.
Basahin: Sinuspinde ng Palasyo ang lahat ng klase, magtrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa sa Oktubre 16
Gayunpaman, sinabi ng Malacañang na ang trabaho sa pribadong sektor ay hindi sakop ng suspensyon, na kung saan ay sa paghuhusga ng mga employer.
Programa ng jeepney phaseout
Sinabi ng KMU na ang programa ng PUJ phaseout ay negatibong nakakaapekto sa kabuhayan ng mahigit 6,000 na mga driver at operator sa buong bansa.
Pagkatapos ay pinamamahalaan ang mga yunit sa ilalim ng isang scheme ng pamamahala ng mabilis na pinamamahalaan ng mga kumpanya ng transportasyon. Ang koleksyon ng pamasahe ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga Beep card, na ginagamit sa mga sistema ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit ng bansa.


2-day nationwide transport strike set on Oct 16-17
By: MARYA SALAMAT



MANILA - Umabot na sa 60 na mga lider ng transportasyon sa Metro Manila na nakipag-ugnayan sa Piston ang nagbigay ng isang welga ng transportasyon sa Oktubre 16 hanggang 17. Sa isang press conference na ginanap sa Quezon City, Oktubre 9, nag-apela sila para sa pampublikong suporta at pag-unawa para sa darating na dalawang araw na nationwide strike . Determinado silang hawakan ang welga sa kabila ng mga banta mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malamang na pinagbawalan o tinanggihan ang isang franchise kung sila ay pumasok sa welga.
Ang LTFRB ay talagang walang laman at walang kahulugan, sabi ni George San Mateo, pambansang tagapangulo ng Piston at isa sa mga conveners ng No to Jeepney Phase out Coalition. Sa ilalim ng plano ng rehimeng Jeepney out, ang karamihan sa mga indibidwal na mga operator ngayon ay walang lugar sa 'pamamahala ng fleet' o corporate scheme, kaya ang pagbabanta ay naroon kung sila ay humahampas o hindi, ipinaliwanag ni San Mateo.
Sa Metro Manila, magkakaroon ng limang "major mass up areas" sa dalawang araw na welga. Ang mga ito ay nasa Alabang, Monumento LRT, Cubao, Novaliches, at Commonwealth Avenue. Maraming mga ruta ng pampublikong utility na pumapasok sa mga pangunahing daanan na ito ay magiging strike, ayon sa mga lokal na lider ng transportasyon at maliliit na operator tulad ng mula sa Makati, Alabang-South Metro Manila, Cavite, Cubao, Rizal, San Pedro Laguna, Camanava, at marami iba pa sa Metro Manila. Sa buong bansa, ang No to Jeepney Phase Out Coalition ay nakikipag-ugnayan sa maraming grupo ng transportasyon sa iba't ibang mga distrito at rehiyon.
Ang demand ng dalawang araw na welga ay para sa administrasyon ng Duterte na basura ang programa ng phase-out ng jeep. Ang nasabing programa ay pinasimulan sa ilalim ng dating administrasyong Aquino at itinataguyod at ipinatupad bilang "programang modernisasyon ng jeep" sa ilalim ng pangangasiwa ng Duterte. Piston ay humantong din sa isang isang-araw na nationwide strike sa protesta at protesta ng mga tao noong Pebrero na may parehong labanan laban sa jeepney phaseout. Ang isang strike na may mga dulo sa huli benefiting ang Riders?
"Tinatawagan namin si Pangulong Duterte na ipatupad sa halip na isang tunay na pambansang reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, upang magkakaroon kami ng kapasidad na gumawa ng mga jeepney dito sa Pilipinas at hindi na mapipilitang umasa sa sobrang suplay o basura ng iba pang mga bansa , "Sabi ng isang pinuno ng Piston sa National Capital Region, Modesto Floranda.
Ang mga pinuno ng Piston at mga grupong may kaugnayan sa transportasyon ay nagsabi na magsisikap silang makuha ang partisipasyon ng karamihan. "Siyempre umaasa kami ng hindi bababa sa 70 porsiyento hanggang 80 porsiyento sa pakikilahok sa welga," sinabi ni San Mateo sa mga reporters kung magkano ang "paralisis". Siya ay hindi pa sigurado kung ilan ang haharapin, na sinasabi pa rin ang grupo na nakikipagtulungan sa iba pang mga organisasyon ng transportasyon. Ngunit ang nakapaligid sa kanya sa press conference ay ang mga lider ng transportasyon at mga operator sa Metro Manila na may libu-libong pinagsamang jeepney unit sa ilalim ng mga ito. Habang ang agarang epekto ng nakaplanong welga ay ang paghihirap para sa milyun-milyong mamamayan sa buong bansa, ipinaliwanag ng mga lider ng transportasyon na kung ang kanilang mga pangangailangan ay matugunan, ito ay magiging ganap sa interes ng parehong mga pasahero.
Sinabi rin niya na gusto rin nila ang mga pagpapabuti sa mga pampublikong sasakyan. Ngunit kung ano ang hindi ganap na ipinaliwanag sa publiko, sinabi niya sa mga reporters, ang bahagi ng pagkuha ng korporasyon at napipintong banta ng pagtaas ng pamasahe sa tinatawag na programang modernisasyon ng jeepney.
Ang 'pekeng' modernisasyon ng programa para sa jeepney, sabi nila, ay magtutulak ng pagkawala ng trabaho habang ito ay "mga masaker" sa mga trabaho ng mga drayber at operator ng jeepney at sabay na nagbukas ng paraan para sa kontrol ng monopolyo sa transportasyon ng jeepney at mga pamasahe sa pamasahe. Ito ay darating sa halos 300,000 maliliit na operator, ayon sa mga estima ng Piston. Sa wakas, halos 4.5 milyong pamilyang nawalan ng kabuhayan at kita, sinabi ni San Mateo. "Ang mga pasahero ay nilinlang ng gubyerno na nagpapansin ng layunin ng jeepney na umalis bilang tinatawag na 'modernisasyon'," sabi ni San Mateo sa press conference. "Kinikilala namin ang pagnanais ng mga sumasakay para sa ligtas, mabisa at komportableng pagsakay," tumugon ang San Mateo sa mga tanong tungkol sa mga komento ng netizens tungkol sa mga kinakailangang pagpapabuti sa jeep at transportasyong masa. Jeepney Phaseout: Ang mga lider ng transportasyon sa Metro Manila ay nag-aanyaya ng suporta mula sa mga driver at operator at sa pangkalahatang publiko para sa kanilang darating na dalawang araw na welga sa Oktubre 16-17.
"Gusto nilang alisin ang mga maliliit na operator at mga driver sa kanilang kasalukuyang kabuhayan upang ibigay sa monopolyong kontrol ng mga malalaking dayuhan at lokal na negosyo," sabi ni San Mateo tungkol sa Omnibus Franchising Guide ng gobyerno.


"Ang mga malalaking kumpanya sa transportasyon ay maaaring magkaroon ng higit sa 20 milyong piso ($ 385,000) upang sumunod sa mga bagong alituntunin ng Kagawaran ng Transportasyon," sabi ni Ceasar Wadwadan, presidente ng Bay-yo Transport Association. Isang driver ng jeepney mula 1980 at driver-operator ng jeepney mula 1984, ang kanyang grupo ay bumibili ng 500 miyembro na may humigit-kumulang 2,500 jeepney na naglalayag sa kalsada.
Ang programa ng phase-out ng jeepney ay ipapatupad simula ng dalawang buwan mula ngayon mula Enero 2018. Pinipilit nito ang mga pampublikong utility driver at operator ng jeepney upang bumili ng minimum na sampung 'bagong tatak' na mga yunit ng PUJ na nagkakahalaga ng P1.6 milyon hanggang P1.8 milyon ($ 31,000 hanggang $ 35,000) bawat isa at pinamamahalaan sa ilalim ng 'Pamamahala ng fleet'. Ang Omnibus Franchising Guidelines ay inireseta rin na ang mga pamasahe sa transportasyon ay kokolektahin sa pamamagitan ng automated collection system ng beep card na pag-aari at pinamamahalaan ng malaking negosyong Ayala-Pangilinan consortium na sinabi din ng Piston na may monopolyong kontrol sa public-private-run MRT-LRT .
Ang grupo ng mga manggagawa na Kilusang Mayo Uno ay nanawagan sa mga sumasakay sa publiko, lalo na sa mga manggagawa, estudyante, at mga magsasaka na bumubuo sa karamihan ng kanilang mga sumasakay, upang suportahan ang mga driver at operator "laban sa kontrol ng monopolyo ng korporasyon ng ating sistema ng transportasyong masa."
"Nakikipagtalo si Duterte sa kanyang malalaking negosyante at dayuhang auto-industry sa pagkumpleto ng kontrol sa monopolyo ng korporasyon ng sistema ng transportasyong masa," sabi ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU. Tumawag siya sa publiko ng pagsakay at lahat ng mga driver at operator ng PUJ sa buong bansa upang sumali sa welga at ipakita kay Pangulong Duterte na hindi nila ibibigay ang kanilang kabuhayan at ang kinabukasan ng kanilang mga pamilya sa malalaking negosyo. Sinabi rin ng mga manggagawa na hinihingi ang isang nasyonalisa, ligtas, mahusay at abot-kayang sistema ng transportasyong masa.
bulatlat.com/main/2017/10/09/2-day-nationwide-transport-strike-set-oct-16-17/


Komento sa Transport Strike

Kamakailan lamang ay nagsuspende ng klase nationwide ang malacañang upang ganapin ang transport strike sa Metro Manila. Ano nga ba ang opinion ng isang mag-aaral na tulad ko sa usaping ito?


Batay sa dalawang artikulong aking napagkuhanan ng mga impormasyon ukol sa pagpapatupad ng Jeepney Modernization Program ng administrasyong Duterte ay madaming draybers ang lubos na maapektuhan sa programang ito lalo na’t maapektuhan din pati ang kanilang pamumuhay at pamilya. Hindi naman sumasang-ayon ang presidente ng hukbo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operaytor Nationwide (PISTON) na si George San Mateo at iba pang mga drayber sa programang isinumite ng president ng Pilipinas.
Napag-alaman ko na noong nakaraang administrasyon din pala ay nagsumite ng ganitong programa si dating pangulong Aquino na tinawag na Public Utility Jeepney (PUJ) phase-out program na di kalaunan ay hindi naman natuloy kaya’t inaasahan na ipagpapatuloy ito ng kasalukuyang president na si Duterte. Ipinahayag sa artikulo na ang programa ay ipatutupad na sa susunod na taon, ngunit ano nga ba at para saan ang programang ito? Ano nga ba ang pakay ng ating presidente sa pagpapatupad ng programang ito?
Ang programang jeepney modernization ay ipatutupad ng ating presidente upang makipag-ugnayan sa mga matataas na industriya sa ating mga kalapit na mga bansa. Ito ay upang makasabay ang Pilipinas sa pagbabago sa larangan ng transportasyon. Balak ng programang ito na maiangat ang antas ng makabagong teknolohiya sa Pilipinas. Sa pag-usbong ng programa ay beep card na ang magiging midyum ng transportasyon.

Bilang isa mag-aaral, ang komento ko sa isyung ito ay iisa lamang, anumang desisyon ang manaig ay may kaakibat na maganda at negatibong resulta dahil isa sa mga panig ang dapat mag-sakripisyo. Kung ang president man ang mananaig, tuluyan ng magbabago ang mga jeepney sa Pilipinas at ganap na magiging modern na ngunit maraming populasyon ng mga drayber ang pansamantalang mawawaln ng pangkabuhayan dahil sa matagalang inobasyon na gagawin, mahihirapan din ang mga pasahero dahil sa pagbabagong kanilang makakaharap. Kung ang mga drayber naman ang mananaig, may pangkabuhayan pa din silang matatawag ngunit sa palagay ko ay hindi na tulad ng dati ang kanilang magiging kita dahil paniguradong baba ang demand ng kanilang pasahero dahil sa mga makaluma nilang jeep at dahil dito marahil ay tataas ang demand ng mga tsuper na taasan ang pasahe upang tumaas muli ang kita na hindi naman marangal para sa mga pasahero.

Edcelyn S. Samaniego 11-ABM







Persweysib (Travel Blog)

Estudyante Travel Bundle Dito sa Bataan!



      Stress sa school at pahinga ang kailangan? Relaxation ang hanap with the tropa? Tara lets na dito sa budget friendly travel bundle package with your barkada na tiyak ay swak na swak sa mga budget pang estudyante only here in Bataan! Punta na sa lungsod ng Bataan na matatagpuan lamang sa Central, Luzon.

     After ng mahaba-habang byahe with the tropa papuntang Bataan, kailangan munang punuuin muli ang ating energy tank at mamahinga sa isa sa pinakamagandang hotel sa Bataan ̶ ang Crown Royale Hotel.

     Ang Crown Royale Hotel ay kilala sa buong lungsod ng Bataan dahil sa taglay nitong alindog na nang-aakit sa mga tao dahilan upang tumuloy dito. Ang hotel na ito ay matatagpuan sa Capitol Site bayan ng San Jose Balanga City, Bataan. Sila ay nag-ooffer ng iba’t-ibang packages batay sa iyong pangangailangan. Mayroon silang room delux with three (3) bedrooms at marami pang iba na may kaakibat ding incentives halimbawa ay free breakfast for two at marami pang iba. Humanap lamang ng package na sasapat sa iyong kagustuhan na matatagpuan lamang sa kanilang website na crownroyalehotel.com


  Thrill at excitement naman ang hanap kasama ang buong tropa? Tara na’t maghiking sa isa sa mga historical places sa buong mundo na matatagpuan lamang sa Bataan. Let’s go na sa Mt. Samat! Ang Mt. Samat ay kilala din sa tawag sa “Dambana ng Kagitingan.” Ito ay matatagpuan sa Pilar, Bataan. Ito ay ginawa upang gunitain ang mga namayapang mga Pilipino at mga Amerikano sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Pagod man ang mararanasan sa pag-akyat dito, lubos namang satispaksyon ang makakamit sa pagkarating sa tuktok nito. Napakagandang view ang tanawin sa taas ng Mt. Samat lalo na sa taas ng krus. Ang Mt. Samat ay mayroon ding museum na naglalaman ng iba’t-ibang impormasyon tungkol dito. Para sa karagdagang kaalaman pumunta lamang sa kanilang website na www.bataan.gov.ph/home/bataan-articles/1231-sites-and-destinations.html

Image result for mt samatRelated image
 
     Mga samu’t saring pagkain naman na swak sa badyet ang hinahanap? Akala mo’y sa Maynila lamang mayroong ganito? Nagkakamali ka dahil mayroon na din nito sa Bataan. Ang bagong kainan sa bayan ng Balanga Bataan ̶ Ang Foodpark, matatagpuan dito ang iba’t- ibang pagkain na tiyak na magpapabusog sa’yo. Bisitahin ang kanilang website para sa mga karagdagang overview sa http://bataan.gov.ph/home/bataan-articles/106-foods-restaurants.html

Image result for balanga SQUARE FOOD PARK
Image result for balanga SQUARE FOOD PARKImage result for balanga SQUARE FOOD PARK
 
     Isang bagong resort naman ang umusbong sa may bayan ng Pilar, Bataan ̶ ang Bataan Heartland Garden. Naging trending ang resort na ito dahil sa mala-paraisong taglay nito. Tiyak na marerelax ang mga taong bibisita dito. Mga problema sa iskwela? Tiyak na mawawala ‘yan pagkat ang Bataan Heartland Garden ay nandito na, sasagot sa iyong problema. Nakilala ito dahil sa mga instagram worthy theme ng resort. Isa din sa dinarayo sa nasabing resort ay ang giant swing na mayroon dito para sa mga taong thrill ang hanap. Isa sa mga naka-experience na ng mala-palasyong buhay ay ang isang blogger na si Nica Fernandez, bisitahin ang kaniyang blog tungkol sa kanilang pag stay sa resort ng Bataan Heartland Garden sa www.themaartetourist.com/2017/06/26/perfect-plan-bataan-heartland/. Para sa iba pang impormasyon sa nasabing resort, bisitahin lamang ang kanilang website www.bataanheartlandgardens.com
Related imageImage result for bataan heartland garden
Image result for bataan heartland gardenRelated image

Image result for bataan heartland gardenImage result for bataan heartland garden
 
     Handa ka na bang bumisita sa probinsya ng Bataan? Tara na’t naghihintay sa’yo ang mga lugar na ito! Contact Mareng Eds for application of the package para ma-experience ang maging relax dulot ng stress dala ng school at +639 123 456 789. Tara na mga estudyante, panahon na ng pag-rerelax!


ROUTES